Davao City – Timbog ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng PNP sa Purok Sta. Cruz, Brgy. Leon Garcia, Davao City, noong Hulyo 6, 2022.
Kinilala ni PMaj Jake Goles, Station Commander ng Sta. Ana Police Station, ang suspek na si Dexter Cuzo, 21, residente ng Sta. Cruz, Barpa, Brgy. Leon Garcia Sr., Agdao, Davao City na tinaguriang Top 6 High Value Individual sa regional level.
Ayon kay PMaj Goles, naaresto ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsamang tauhan ng Sta. Ana PS at Regional Police Drug Enforcement Unit 11 katuwang ang City Intelligence Unit at Regional Mobile Force Company 11.
Dagdag pa ni PMaj Goles, nakuha mula sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 6 gramo at may street market value na Php90,000 at isang homemade caliber .38 kasama ang tatlong live ammunition.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Samantala, pinuri naman ni PBGen Benjamin Silo Jr., PRO11 Regional Director ang nasabing operasyon dahil sa matagumpay na pagkakadakip sa HVI sa lungsod na naglalapit sa kanilang layunin na gawing drug-free ang Rehiyong Onse.
###
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara