Cagayan de Oro City – Tinatayang Php510,000 halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang indibidwal sa magkahiwalay na buy-bust operation ng Police Regional Office 10 nito lamang Martes, Hulyo 5, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Benjamin Acorda Jr, ang suspek na si Oliver R Ingpit, alyas “Boboy”, 48, residente ng Kalye Apike, Bugo, Cagayan de Oro City, kasama sa watchlist ng Directorate for Intelligence at isang High Value Individual.
Ayon kay PBGen Acorda Jr, naaresto ang suspek sa Kalye Apiki, Bugo, Cagayan de Oro City ng mga operatiba ng Regional Drug Enforcement Unit 10.
Ayon pa kay PBGen Acorda Jr, nakumpiska mula sa suspek ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng mahigit kumulang 50 gramo at may tinatayang halaga na Php340,000, isang unit ng mobile phone, at isang pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Samantala, naaresto naman si Rodel B Caparida, 36, welder, residente ng Purok 12 Busco, Butong, Quezon Bukidnon sa parehong araw ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Quezon Municipal Police Station bandang 7:30 ng gabi sa Brgy. 4A Poblacion, Quezon, Bukidnon.
Nakuha mula kay Caparida ang 11 heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na mahigit kumulang 25 gramo na may tinatayang halaga na Php170,000, 20 caliber .38 cartridge cases, dalawang unit ng cellphone, cash na nagkakalahaga ng Php1,160 at isang Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Ang dalawang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“This accomplishment is one of the manifestations of your undying will to make Northern Mindanao a drug-free region. Ito po ay isa lamang patunay na mabusisi niyong pinagtutuunan ang inyong trabaho”, pahayag ni PBGen Acorda.
###
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU 10