Indanan, Sulu – Boluntaryong isinuko ng isang concerned citizen ang kanyang loose firearm sa PNP sa Indanan, Sulu nitong Hulyo 4, 2022.
Ayon kay Police Major Edwin Sapa, Chief of Police ng Indanan Municipal Police Station, boluntaryong isinuko kay Rush Isnaji, Brgy. Chairman ng Brgy. Timbangan, Indanan, Sulu ng isang lalaki ang isang yunit ng Revolver .22 na walang serial number at may siyam na bala upang isuko naman sa PNP.
Ang nasabing baril ay tinanggap naman ni PEMS Baltazar Sawabi.
Ito ay kaugnay sa pinaigting na kampanya kontra loose firearms sa pamamagitan ng Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Pansamantalang nasa pangangalaga ng Indanan MPS ang nasabing baril bago dalhin sa Sulu PCLO para sa kaukulang disposisyon.
Samantala, hinihikayat ng PNP ang publiko na makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya kung sinuman ang may baril na walang kaukulang dokumento at nais itong isuko.
###
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz