Sultan Kudarat – Kaagad na nag-donate ng dugo ang isang tauhan ng Lebak Municipal Police Station sa isang babaeng nangangailangan ng dugo sa Lebak Doctors Hospital sa Sultan Kudarat noong Ika-4 ng Hulyo 2022.
Kinilala ni PLtCol Julius Malcontento, Chief of Police ng Lebak MPS, ang pasyente ng naturang hospital na si Miscell Carbon, 36, may asawa, at residente ng Sitio Paga, Taguisa, Lebak, Sultan Kudarat na nagkaroon ng postpartum bleeding nang mamatay ang sanggol nito matapos ipanganak at kinakailangan ng agarang blood transfusion.
Ayon kay PLtCol Malcontento, isang tawag ang natanggap ng kanilang tanggapan sa isang residente ng Brgy. Taguisa, Lebak, Sultan Kudarat na humingi ng blood donor para sa kanilang pasyente na nasa Lebak Doctors Hospital.
Agad namang nagboluntaryo si Patrolman Leonique Ogatis, Asst. MCAD PNCO na tulungan ang nasabing pasyente at dali-daling pumunta sa nasabing hospital para salinan ng dugo ang katatapos lamang manganak na ginang.
Ayon pa kay PLtCol Malcontento, kaagad na nakapag-donate ng dugo ang kanilang himpilan dahil sa programa ng PRO12 na “Dugo ng Bayaning Pulis Alay sa Kapwa”.
Pinuri naman ni PLtCol Malcontento ang ginawa ni Pat Ogatis.
“Handa ang kapulisan na tumulong sa kahit anumang paraan sa abot ng kanilang makakaya sa bawat Lebakeños”, dagdag pa niya.
###
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin