Camp BGen Simeon A Ola, Legaspi City – Pormal na inilunsad ang Kick-off Ceremony ng 27th Police Community Relations Month 2022 ng Police Regional Office 5 na pinangunahan ni Police Brigadier General Mario A Reyes, Regional Director, kasabay ng Monday Flag Raising Ceremony nito lamang ika-4 ng Hulyo 2022 sa PRO5 Grandstand Camp BGen Simeon A Ola, Legaspi City.
Ang nasabing okasyon na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan” ay dinaluhan ni J/Supt Wilmor T Plopino (Ret), President ng Council of Deans for Criminal Justice Education Incorporated bilang panauhing pandangal.
Ang selebrasyon ay alinsunod sa Presidential Proclamation No. 764 na nagdeklara sa buong buwan ng Hulyo ng bawat taon bilang pagdiriwang ng Police Community Relations Month.
Ang PRO5 sa pamamagitan ng Regional Community Affairs and Development Division ay magsasagawa ng mga aktibidad na naglalayong palakasin ang partisipasyon ng komunidad sa mga programang pangkapayapaan at kaligtasan ng mamamayan.
Samantala, naging parte din ng nasabing okasyon ang paggawad ng parangal sa mga operational accomplishments ng mga sumusunod: Medalya ng Kagalingan kay Police Major Irvin Bellen at Police Staff Sergeant Bonifacio Apuli ng Bacacay MPS, Albay PPO para sa matagumpay na hot pursuit operation sa pagkahuli ng suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang 22 anyos na dalagita at Cum Laude graduating student ng Bicol University.
Kaparehong medalya din ang iginawad kina Police Major Jerald John Villafuerte ng Pioduran MPS para sa pagkakaaresto sa Ranked No. 3 Regional Most Wanted Person ng Police Regional Office 5, dahil sa krimen ng panggagahasa.
Binigyan din ng kaparehong medalya sina Police Chief Master Sergeant Joseph Herbert Aringo at Patrolman Alwynn Borja ng Sto. Domingo MPS, Albay PPO para sa matagumpay na pagsasagawa ng Manhunt Operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa Ranked No. 1 Regional Most Wanted Person ng Police Regional Office 5, para sa krimen ng 8 Counts of Rape.
Dumalo rin sa naturang aktibidad sina Police Lieutenant Colonel Brenda O Garcia, Officer-in-Charge ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 5 at Police Major Jonnel N Averilla, Assistant Chief ng RPCADU5.
Source: KASUROG Bicol
###
Panulat ni Patrolman Rodel Grecia