Gonzaga, Cagayan – Nagsagawa ng Coastal Clean-up Drive at Tree Planting Activity ang Gonzaga PNP sa Barangay Tapel, Gonzaga, Cagayan noong Hulyo 03, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Gary H Macadangdang, Hepe ng Gonzaga Police Station kasama ang mga aktibong miyembro ng Kabataan Kontra at Terorismo at Barangay-Based Advocacy Support Group.
Namulot ang mga grupo ng mga nakakalat na basura sa tabing-ilog at nagtanim din sila ng 100 Bani tree seedlings sa nasabing lugar.
Ang aktibidad ay alinsunod sa PNP Core Values na “Makakalikasan” at kaugnay ng I Love Cagayan River (Seedlings of Hope) at ang Clean and Green: CPPO Dream program na pinasimulan ng Cagayan Police Provincial Office.
Hinihikayat ng PNP ang komunidad na patuloy na makiisa at makilahok sa mga programang ilulunsad ng pamahalaan upang mapanatili ang kagandahan at kasaganaan ng likas na yaman sa bansa.
Source: Gonzaga Police Station
###
Panulat ni Patrolwoman Juliet Dayag