Lourdes, Quezon City — Umabot sa 272 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang Chinese Dealer nito lamang Linggo, Hulyo 3, 2022.
Kinilala ni NCRPO Regional Director, PMGen Felipe Natividad ang suspek na si Jia Cai y Zhu alyas “Cai”, 32, Chinese National.
Ayon kay PMGen Natividad, naaresto si Cai bandang 10:30 ng umaga sa kahabaan ng Ma. Clara St., Brgy. Lourdes, Quezon City sa pinagsanib na pwersa ng mga operatiba ng PNP, PDEA, AFP, at NICA.
Ayon kay PMGen Natividad, matagal ng binabantayan ang aktibidad ng suspek sa nakalipas na dalawang buwan.
Narekober sa suspek ang humigit-kumulang 40 kilo na pinaniniwalaang shabu at may Standard Drug Price na Php272,000,000.
Mahaharap si Cai sa kasong paglabag sa Sec 5 at Section 11 ng Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Napakalaking halaga ng droga ang nakumpiska kaya naman binabati ko ang maayos na koordinasyon ng iba’t ibang units at ahensya sa naging operasyon na ito. Makakaasa ang taumbayan na mas papaigtingin pa ng bawat ahensya ng gobyerno, lalo na sa NCRPO, ang pagtugis sa mga tulak, sources ng ilegal na droga at maging ang mga protektor nito,” mensahe ni PMGen Natividad.
Source: PIO NCRPO
###
Panulat ni PSSg Remelin Magay Gargantos