Buenavista, Quezon – Arestado ang top 1 most wanted person (Regional at Municipal level) sa kasong 3 Counts of Rape sa operasyon ng CALABARZON PNP nito lamang Biyernes, Hulyo 1, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Joel Villanueva, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office, ang suspek na si Christian John Marano Saturay, 23, magsasaka, residente ng Sitio Pong-uy, Brgy. Maligaya, Buenavista, Quezon.
Ayon kay PCol Villanueva, bandang 1:25 ng madaling araw naaresto ang suspek sa naturang lugar sa isinagawang Enhance Police Operation ng pinagsanib na pwersa ng Catanauan Municipal Police, Regional Special Operation Unit-PRO 4A at Buenavista Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 3 Counts of Rape (RPC Art. 266-A) na walang inirekomendang piyansa.
Ang tagumpay ng PNP laban sa may pagkakasala sa batas ay resulta ng pinakilos na Community Mobilization Program at magandang pakikipagtulungan at aktibong suporta ng mamamayan sa komunidad.
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon