Leyte – Arestado ang apat na drug suspect at nabuwag ang isang drug den sa isinagawang PNP buy-bust operation sa Brgy. Tabunok, Isabel, Leyte noong Sabado, Hulyo 2, 2022.
Kinilala ni Police Major Florando S Relente, Acting Chief of Police ng Isabel Municipal Police Station ang mga naaresto na sina Arnold Doroy Paculted, 33, habal-habal driver; Jonathan Tornilla Mindigo, 54, jobless; Joy Malinao, 18, walang trabaho, pawang naninirahan sa Brgy. Tabunok, Isabel, Leyte; at Panfilo Meramonte Concilliado, 49, walang trabaho at residente ng Sitio Tulay Brgy. Marvel, Isabel, Leyte.
Ayon kay PMaj Relente, nasawata ang mga suspek bandang 2:45 ng madaling araw, sa pinagsanib na pwersa ng PDEA8-RESET at Isabel MPS at nagresulta sa pagkabuwag ng isang drug den.
Ayon pa kay PMaj Relente, nakabili ang poseur buyer na PDEA8 ng isang pirasong small heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu mula sa isa sa mga suspek habang nasa loob ng bahay ang iba pang suspek na nagsasagawa ng pot session.
Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong pirasong small heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang “shabu”, isang unit small weighing scale na may timbang na 10 gramo at kabuuang market value na Php68,000.
Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong Paglabag sa Sec 5, 6, 7, 11, 15 at 26B Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri naman ni PMaj Relente ang kanyang mga tauhan sa pagsugpo sa aktibidad ng ilegal na droga sa kanilang nasasakupan at tinitiyak sa publiko ang patuloy na Anti-illegal Drugs Operations ng Isabel PNP.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez