Imus, Cavite – Tinatayang Php1,300,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa buy-bust operation ng Cavite PNP nito lamang Linggo, Hulyo 3, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Arnold Abad, Provincial Director ng Cavite Police Provincial Office, ang suspek na si Marianne Danica Agodong Y Javate Jomar, residente ng Blk-174 L-6 Phase 4, Brgy., Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite.
Ayon kay PCol Abad, bandang 12:10 ng madaling araw naaresto ang suspek sa Brgy. Medicion 2-F, Imus City, Cavite ng pinagsamang operatiba mula sa Philippine Drug Enforcement Unit, Cavite Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Captain John Mark Presbitero, Chief, PDEU sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Rodel Sibalo Ban-O, Chief, Provincial Intelligence Unit at Laguna Provincial Intelligence Team Regional Intelligence Unit 4A (RIU4A).
Ayon pa kay PCol Abad, nakumpiska sa mga suspek ang apat na piraso ng heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 195 gramo na nagkakahalaga ng Php1,300,000 at Php75,000 na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, pinuri naman ni PCol Abad ang kanyang tauhan dahil sa pagsisikap nito na maging drug-free ang probinsya ng Cavite.
Source: Cavite Provincial Community Affairs Development Unit
###
Panulat ni Police Corporal Ronel Pabo