Tuao, Cagayan – Nagsagawa ng police visibility and security ang Tuao PNP sa ginanap na Inauguration and Oath-Taking Ceremony ng mga bagong halal na opisyales ng munisipalidad ng Tuao sa Leonardo “Nards” Mamba Gymnasium, Centro 2, Tuao, Cagayan nito lamang Hulyo 1, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PMaj Francisco D Liwag, Acting Chief of Police ng Tuao Police Station, Cagayan Police Provincial Office.
Dumalo sa seremonya bilang saksi ang Gobernador ng Cagayan na si Hon. Manuel N Mamba kasama sina 3rd District Board Member, Hon. Rudy de Asis at mga bagong halal na opisyal sa nasabing bayan.
Layunin nitong lalo pang paigtingin ang tungkulin at responsibilidad para sa maayos, maunlad, mapayapa at ligtas na pamumuhay ng bawat mamamayan.
Source: Tuao Pnp Pcr
###
Panulat ni PSMS Marisol A Bonifacio