Iguig, Cagayan – Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang Iguig PNP sa Barangay Garab, Iguig, Cagayan nito lamang Linggo, Hulyo 2, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Crisandra B Aggabao, Deputy Chief of Police ng Iguig Police Station, Cagayan Police Provincial Office kasama ang mga Barangay Officials at tanod ng Garab.
Nagtulong-tulong ang mga grupo sa pagtatanim ng gmelina at mahogany seedlings sa nasabing barangay.
Layunin ng programang ito na mapanatili ang kagandahan ng kapaligiran tungo sa maaliwalas at ligtas na lugar. Hinihikayat naman ang mga residente ng nasabing lugar na makiisa at makilahok sa mga programa ng Pambansang Pulisya tulad nito para panangga sa climate change, baha, o landslide.
Source: Iguig PS (Iguig Police Station)
###
Panulat ni PSMS Marisol A Bonifacio