Trento, Agusan del Sur – Kalaboso ang dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na Wanted sa kasong Arson sa magkahiwalay na operasyon sa Agusan del Sur nito lamang Huwebes, Hunyo 30, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Romeo Caramat Jr, Regional Director ng Police Regional Office 13, ang dalawang nadakip na miyembro ng Former Guerilla Front 14 na sina Roldan Borantes alyas “Abel”, 41, residente ng Purok 8, Brgy. Basa, Trento, Agusan del Sur at si Joel Pabon, 43, nakatira naman sa P-2, Brgy. Manat, Trento, Agusan del Sur.
Ayon kay PBGen Caramat, bandang 9:00 ng umaga nang arestuhin si Borantes at 10:15 ng umaga naman nang maaresto si Pabon sa kani-kanilang tirahan sa isinagawang Joint Operation ng Bunawan Municipal Police Station at Regional Intelligence Unit 13 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Arson.
Ang Caraga PNP ay patuloy sa pagpupursigi na maaresto ang mga may pananagutan sa batas, lalung-lalo na ang mga rebeldeng patuloy na pinapairal ang baluktot na ideolohiya na pabagsakin ang gobyerno at sumisira ng kapayapaan ng komunidad.
###
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan/RPCADU13