Tatalon, Quezon City — Pinangunahan ni Quezon City Police District Director, Police Brigadier General Remus Medina ang Community Outreach Program kasabay ng inagurasyon ng bagong halal na Presidente ng Pilipinas na si President Ferdinand Romualdez “Bongbong” Marcos, Jr sa Brgy. Tatalon, Quezon City noong Huwebes, Hunyo 30, 2022.
Ang nasabing programa ay naglalayong palakasin ang police-community relations na siyang isang malaking sangkap para sa pagkamit ng mandato ng kapulisan na paigtingin ang kaayusan at katahimikan sa lungsod.
Nasa tinatayang 10,000 food packs ang ipinamahagi sa iba’t ibang pamilyang kapus-palad na mula sa top priority barangays sa Quezon City na kinabibilangan ng Brgy. Bagong Silangan, Brgy. Payatas, Brgy. Old Capitol Site, Brgy. Sitio San Roque, Bagong Pag-asa, Brgy. Tatalon, and Brgy. San Vicente.
Samantala, mahigit 7,000 pa ang naipamahagi sa ibang beneficiaries sa karatig barangay ng naturang lungsod.
“Ito ay simula pa lamang ng ating gagawing activity dahil marami pa po akong nakalinyang programa kagaya na lamang ng medical and dental mission. Ilalagay ko po dito ang mga doctor, mga dentista, mga nurses, para yung mga hindi pa nagpapabakuna, mga gustong magpapustiso, at konsultasyong medical ay magiging libre. Meron din tayong programa sa mga kabataan, ito ay ang libreng tuli. Tuloy-tuloy po ito habang may nagbibigay po sa atin ng suporta at ipapamahagi naman namin ito sa inyo. Pakiusap ko lang po ang kapalit nito, ay maging isang mabuti po kayong mamamayan, bawal po sa atin ang ilegal na droga, mga gumagawa ng krimen at higit sa lahat bigyan po ninyo ng pagkakataon ang mga pulis na alagaan kayo,” pahayag ni PBGen Medina sa ginanap na aktibidad.
Source: PIO Qcpd
###
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos