Arestado ng mga alagad ng batas ang Top 2 Most Wanted Person (Municipal Level) ng Margosatubig, Zamboanga del Sur sa kasong Murder nito lamang Hunyo 29, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Jun Mark Lagare, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, ang naarestong suspek na si Rene O Caay, 54, residente ng Purok 10, San Jose, Quezon, Bukidnon.
Ayon kay PCol Lagare, naaresto ang suspek bandang 8:30 ng umaga sa Purok 10, San Jose, Quezon, Bukidnon ng mga operatiba ng Quezon MPS, 1003rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 10 at Margosatubig MPS, sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang rekomendandong piyansa.
Ang pagkakaaresto kay Caay ay bunga ng pagpupursigi ng Pambansang Pulisya sa paghuli ng mga taong may pananagutan sa batas at mabigyan ng hustisya ang mga biktima nito.
###
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU 10