Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga tauhan ng Daanbantayan PNP sa Barangay Tinubdan, Daanbantayan, Cebu nito lamang ika-1 ng Hulyo 2022.
Ang nasabing aktibidad ay direktang pinangasiwaan ni Police Major Marvin M Inoncencio, Chief of Police, na aktibong nilakuhan ng BADAC Members, Force Multipliers at mga Barangay Officials.
Tinatayang nasa 30 Fruit Bearing Trees ang naitanim ng mga nasabing grupo sa isinagawang aktibidad.
Ayon kay PMaj Inoncencio, ang nasabing aktibidad ay inilunsad bilang pagdiriwang sa ika-27 pagdiriwang ng Police Community Relations Month na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan” at alinsunod na rin sa PNP Core Values na “Makakalikasan”.
Ang naging aksyon ng Daanbantayan PNP katuwang ang mga mamamayan ay isang magandang solusyon upang mapanatili ang luntian at malusog na kapaligiran na makakatulong upang makaiwas sa tuluyang pagkasira ng inang kalikasan dulot ng polusyon.
###
Panulat ni Patrolwoman Kyla Hannah R Evangelista