Bukidnon – Arestado ang Top 1 Most Wanted Person (Municipal Level) sa kasong Rape at Sexual Abuse sa isinagawang joint operations ng Bukidnon PNP nito lamang Miyerkules, ika-29 ng Hunyo 2022.
Kinilala ni Police Colonel Jun Mark Lagare, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, ang naarestong suspek na si Eugenio Aragon Jr, 43, residente ng Purok 1, San Isidro, Quezon, Bukidnon.
Ayon kay PCol Lagare, bandang 2:10 ng hapon nadakip ang suspek sa nabanggit na lugar ng mga tauhan ng Quezon Municipal Police Station, 2nd Bukidnon Provincial Mobile Force Company at 1003rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 10.
Ayon pa kay PCol Lagare, naaresto si Aragon sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape at Sexual Abuse in relation to Republic Act. 7610 sa ilalim ng Criminal Case No. 38464-22 to 38467-22 at walang inirekomendang piyansa.
Ang Pambansang Pulisya ay tinitiyak na hindi hihinto sa paghahanap sa mga taong may pananagutan sa batas.
###
Panulat ni Patrolman Rolando Baydid Jr/RPCADU 10