Misamis Oriental – Tinulungan ng 2nd Provincial Mobile Force Company ng Misamis Oriental Provincial Police Office ang tumagilid na Wing Van Truck na may laman na mga sako-sakong Urea (Fertilizer) sa gilid ng kalsada sa Bar Gimaylan, Libertad, Misamis Oriental nito lamang 5:50 ng umaga ng Hunyo 30, 2022.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Mardy Hortillosa, Force Commander ng 2nd PMFC, Misamis Oriental, habang nagjo-jogging ang kanilang grupo at pabalik na ng kampo nang nakita nila ang Wing Van Truck na nakatagilid dahil napunta ito sa may malambot na bahagi ng lupa sa gild ng highway.
Sa walang pag-atubili ay tinulungan ng mga tauhan ng 2nd PMFC na ibaba muna ang 600 na sako-sakong kargang fertilizer para gumaan at mahila ang sasakyan at binalik naman ulit ang karga pagkatapos nitong matanggal sa pagkakatagilid.
Lubos na nagpasalamat ang drayber at pahinante sa mga tauhan ng 2nd PMFC ng Misamis Oriental sa agarang tulong at aksyon.
“I am grateful to have colleagues who have a heart for humanity.” I won’t bother ordering from them as I have helpful old members. May they never change and continue to serve the people of our constituency even where they live to bring the police to the heart of the people,” pahayag ni PLtCol Hortillosa.
###
Patrolman Joshua Fajardo/ RPCADU 10