Upang magkaroon ng ligtas na pamayanan at komunidad, nag-anunsyo ang Regional Director ng PRO 3 na si PBGen Valeriano T De Leon ang walang habas ng pagtugis sa mga elemento ng kriminalidad sa rehiyon lalong lalo na ang iligal na droga.
Kasunod nito, ipinatupad ng mga operatiba ng 305th Maneuver Company RMFB3 at PIU ZPPO na pinamumunuan ni PCol Romano V Cardiño ang isang Search Warrant sa isang (1) tinaguriang High Value Individual (HVI) na sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga.
Sinalakay at sinurpresa ng mga operatiba ang naturang target ng Search Warrant na si Maria Theresa Calimlim y Asuncion, 38 taong gulang, isang ginang at walang trabaho na nakatira sa Sitio Takipan, Purok 2, Brgy, Palanginan, Iba, Zambales.
Sa paghahalughog ng mga operatiba, nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang (1) kalibre .38 rebolber Smith and Wesson na baril na may apat (4) na bala at nakumpiska din ang dalawang (2) plastic sachet na pinaghihinalaang iligal na droga o shabu.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9165.
#####
Article by Police Executive Master Sergeant Joey San Esteban