Valencia City, Bukidnon – Tiklo ang Top 9 Most Wanted Person (City Level) sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation o SACLEO ng Valencia PNP, nito lamang Miyerkules, Hunyo 29, 2022.
Kinilala ni Police Major Sabino Labitad, Officer-in-Charge ng Valencia City Police Station, ang naarestong suspek na si Anotonio Oberes, 23, residente ng Purok 9, Brgy. Mabuhay, Valencia City.
Ayon kay PMaj Labitad, bandang 9:30 ng umaga naaresto ang suspek sa Purok 6 Brgy. Poblacion, Valencia City, Bukidnon ng mga tauhan ng Valencia City PS.
Ayon pa kay PMaj Labitad, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa R.A 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act of 2004 na may rekomendadong piyansa na Php120,000.
Samantala, patuloy ang Pambansang Pulisya sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa kanilang nasasakupan.
###
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/ RPCADU 10