San Jose, Tarlac – Nagsagawa ng Feeding Program ang San Jose PNP sa Barangay Sula, San Jose, Tarlac nito lamang Huwebes, Hunyo 30, 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Roger G Alfiler, Officer-in-Charge, San Jose Municipal Police Station at sa pamumuno ni Police Colonel Erwin O Sanque, Provincial Director ng Tarlac Police Provincial Office.
Humigit kumulang 100 na bata at magulang ang nahandugan ng libreng lugaw at juice sa nasabing lugar.
Ayon kay PCpt Alfiler, labis ang tuwa at pasasalamat ng mga bata sa PNP sa libreng pagkain na naibigay sa kanila.
Layunin ng aktibidad na mabigyan ng pangunahing serbisyo ang mga bata para mapanatili ang kalusugan at maiwasan ang malnutrisyon.
Source: San Jose MPS
###
Panulat ni Police Corporal Rivera