Caloocan City – Arestado ang isang lalaki sa kasong Technical Carnapping- Assumed/Pasalo sa isinagawang operasyon ng Northern District Highway Patrol Team (NDHPT) nito lamang Lunes, Hunyo 27, 2022.
Kinilala ni PLtCol Joel Mendoza, Officer-in-Charge, Regional Highway Patrol Unit – NCR, ang nadakip na si Mr. Randy Marin ng Bagumbong, Caloocan City.
Ayon kay PLtCol Mendoza, bandang 1:35 ng hapon nang naaresto si Marin sa Bagumbong, Caloocan City sa isinagawang operation ng NDHPT sa pamumuno ni Police Captain Joey M. Ilac at DACU-NPD na pinamunuan naman ni PMaj Jessie B Missal.
Ayon pa kay PLtCol Mendoza, narekober ang isang red Toyota Vios na may Plate No. NGM5346 na nakarehistro kay Glody Lyn B. Vila sa Bagumbong, Caloocan City.
Hinikayat naman ng pambansang pulisya ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad kapag may impormasyon sakaling may maganap na parehong insidente sa kani-kanilang lokalidad.
Source: RHPU-NCR
###
Panulat ni PSMS Marisol A Bonifacio