Lapu-Lapu City – Arestado ang Top 1 Most Wanted Person Station Level na may kasong Rape sa isinagawang operasyon ng Lapu-Lapu City PNP nito lamang Lunes, Hunyo 27, 2022.
Kinilala ni Police Captain Nigel Z Sanoy, Hepe ng Criminal Investigation and Detection Group, Lapu-Lapu City Field Unit, ang suspek na si Eduard Mabeda Abejar, 20, residente ng Sitio Camansi, Brgy. Pajo, Lapu-Lapu City.
Ayon kay PCpt Sanoy, bandang 6:45 ng gabi nadakip ang suspek sa Sitio Camansi, Brgy. Pajo, Lapu-Lapu City ng mga tauhan ng CIDG, Lapu Lapu CFU at Police Station 3, Lapu-Lapu City Police Office.
Ayon pa kay PCpt Sanoy, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 5 Counts of Rape at RA 7610 o ang Special Protection of Children against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Ang PNP ay patuloy na paiigtingin ang pagsasagawa ng mga operasyon at paghuli sa mga indibidwal na nagtatago sa batas. Ito ay nagpapakita lamang na maayos at matiwasay na ginagampanan ng mga kapulisan ang kanilang trabaho sa kanilang nasasakupan upang mabigyan ng karampatang hustisya ang mga naging biktima nito.
###