General Santos City – Umaga palang ay namahagi na ang ating mga alagad ng batas ng mga sariwa at masusustansyang gulay sa Plaza ng General Santos City noong ika-30 ng Hunyo 2022.
Pinangunahan ni PLtCol Janmar Remudaro, Chief, City Community Affairs and Development Unit, katuwang ang mga OJT students ng Golden State College of General Santos City, Integrated Community Task Force Police Station (ICTF-PS1) at National Coalition of IT Advocates for Change-Police Station 1.
Bukod sa mga gulay na kanilang ipinamahagi sa naturang lugar, sinundan din nila ito ng Feeding Program at pamimigay ng mga reading materials kung saan nakasaad ang layunin ng kanilang programa na Oplan Kalinaw Reloaded.
Ayon kay PLtCol Remudaro, dinagsa ng mga residente ang kanilang inihandog na serbisyo sa mamamayan.
Lubos naman na nagpapasalamat ang mga naging benepisyaryo dahil sa libreng gulay na kanilang natanggap at hindi rin nila inaasahan na makakakuha sila ng libreng gulay dahil sa mahal na presyo ng mga gulay sa panahon ngayon.
Tiniyak naman ng General Santos PNP na patuloy silang magbibigay ng mga serbisyo na makakapagpasaya sa komunidad.
###
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin