Thursday, November 28, 2024

Inauguration Ceremony ni PBBM, mapayapang isinagawa

Padre Faura, Maynila – Nanumpa sa makasaysayang inagurasyon si President-elect Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos, Jr. bilang ika-17 Pangulo ng Republika ng Pilipinas na ginanap sa National Museum of Fine Arts sa Padre Faura sa lungsod ng Maynila ngayong araw ng Huwebes, ika-30 ng Hunyo 2022.

Pinangasiwaan ng kasalukuyang Supreme Court Chief Justice Alexander G. Gesmundo ang panunumpa ni PBBM kasama ang kanyang asawa, First lady Lisa at kanyang apat na mga anak – Alexander, Sandro, Simon at Vincent, na naghudyat ng kanyang anim na taong panunungkulan sa Malacañang.

Natunghayan naman sa programa ang inihandog na Military at Civic Parade mula sa pangkat ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, at Philippine Coast Guard bilang pagsaludo at pagpapakita ng buong pagsuporta sa bagong upong pangulo.

Sa kanyang talumpati, nagpugay at nagpasalamat ang bagong Pangulo sa lahat ng mga panauhin na naroon tulad nina dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, Joseph E. Estrada at Fidel V. Ramos; mga foreign dignitaries at diplomatic corps; sa iba pang mga panauhin; at sa kanyang ina at dating First lady Imelda R. Marcos.

Pinasalamatan niya rin ang dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga naumpisahang programa, proyekto at inisyatibo lalong lalo na ang proyekto sa imprastraktura at nangakong lalo itong pagyayabungin upang matamo ang isang “agile and resilient” na bansa.

Samantala, siniguro naman ng pamunuan ng Pambansang Pulisya sa pangunguna ni Officer-in-Charge Police Lieutenant General Vicente D. Danao, Jr. ang seguridad, kaayusan at katagumpayan ng inagurasyon katuwang ang mga miyembro ng AFP, PCG, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail and Penology, Metropolitan Manila Development Authority, Department of Health at iba’t ibang force multiplier lalung-lalo na sa post-inauguration activities.

Ayon naman sa pahayag ni Directorate for Operations, Director Police Major General Valeriano T. De Leon, tinatayang higit 15,213 ang kabuuang miyembro ng mga nasabing ahensya ang bumuo sa pwersang nagsiguro sa kaayusan ng makasaysayang okasyon kung saan higit 6,000 ay mula sa PNP.

Matapos ang inagurasyon ni Pangulong Marcos, Jr., nagtungo naman siya sa Malacañan Palace upang pangasiwaan ang sabayang panunumpa ng mga bagong talagang miyembro ng kanyang gabinete, maging ang mga bagong halal na opisyal ng Ilocos Norte at Ilocos Sur sa President’s Hall at Reception Hall ng Palasyo.

Hudyat man ito ng pagbabago ng liderato ng administrasyon, subalit ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay gagawin ang kanyang sinumpaang tungkulin nang nananaig ang paglilingkod, karangalan at hustisya gayundin bilang makadiyos, responsable at respetadong public safety officers ng bansa.

Photo by PNA Avito C. Dalan at Rey S. Baniquet

###

Panulat ni Patrolman Noel S. Lopez

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles