Nakumpiska ng PNP-Maritime Group ang aabot sa 7,000 kilo ng Giant Clam o Taklobo sa Sipalay City, Negros Occidental noong Oktubre 26, 2021.
Bandang 10:00 ng umaga nang makatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen ang mga awtoridad hinggil sa iligal na pangongolekta ng Taklobo.
Agad rumesponde ang 4th SOU kasama ang Sipalay City Police Station at Bantay Dagat ng Sipalay sa Sitio Ondol Pasil ng Barangay Cayhagan, Sipalay City. Doon ay nadatnan ng mga awtoridad ang higit-kumulang 7,000 kilo ng Taklobo na tinatayang nagkakahalaga ng Php490,000.
Ang Giant Clam o Taklobo ay itinuturing na ‘endagered specie’ sa bansa.
Agad inaresto ang suspek at dinala sa himpilan ng 4th SOU kasama ang mga nakumpiskang ebidensya para sa karagdagang dokumentasyon.
Kakasuhan ng paglabag sa RA 10654 ang nadakip na suspek.
#####
Article by Police Corporal Josephine T Blanche