Manila – Nakiisa ang mga tauhan ng Police Regional Office ng CALABARZON sa katatapos lamang na inagurasyon ng ika – 17th na Pangulo ng Republika ng Pilipinas na si President Ferdinand R Marcos Jr nito lamang Huwebes, Hunyo 30, 2022.
Sa pamumuno ni Police Brigadier General Antonio Yarra, Regional Director ng Police Regional Office 4A, ay nagpadala ng karagdagang tauhan upang masigurado ang kapayapaan at kaayusan sa inagurasyon ng bagong pangulo ng Pilipinas.
Itinalaga si Police Lieutenant Colonel Tyrone Valenzona, Force Commander ng 1st Provincial Mobile Force Company, Laguna Police Provincial Office bilang Over-all CDM Contingent Commander.
Kada probinsya ng CALABARZON ay nagpadala ng 60 na pulis na bumuo sa 300 na miyembro ang na augment upang tiyakin ang kaayusan at katahimikan sa nasabing inagurasyon.
Samantala, binigyang-pugay naman ni PBGen Yarra ang kanyang mga tauhan sa mga sakripisyo at serbisyo publiko para sa bayan at mamamayan.
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville Ortiz