Samar – Naaresto ng Tacloban PNP ang isang lalaki na takas mula sa Bureau of Correction ng Leyte sa Brgy. Leteron, Calbiga, Samar nito lamang Miyerkules, Hunyo 29, 2022
Kinilala ni Police Captain Concas A Castello, Officer-in-Charge ng Tacloban City Police Station 1, ang naaresto na si alyas “Pedro”, nasa legal na edad, residente ng Brgy. Hindang, Calbiga, Samar.
Ayon kay PCpt Castello, bandang alas 8:00 ng umaga naaresto si alyas “Pedro” sa pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Tacloban City Police Station, Tacloban City Police Office-City Intelligence Unit, Calbiga Municipal Police Station kasama ang mga tauhan ng Intel Platoon ng 46IB, 8ID, PA at BuCor Leyte Regional Prison.
Ayon pa kay PCpt Castello, tumakas ang akusado upang iwasan ang pagserbisyo ng sintensya sa kanya ng BuCor Leyte Regional Prison para sa krimeng Murder, Robbery in band with Frustrated Homicide at Paglabag sa PD 532 (Highway Robbery) na walang inirekomendang piyansa.
Ang Tacloban City PNP ay handang tumulong sa iba pang ahensya ng gobyerno para sa ikakabilis ng pagkahuli sa mga taong may sala sa batas.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez