Ballesteros, Cagayan – Nagsagawa ng Tree planting activity ang Cagayan PNP sa Pavilion Cagayan Animal Breeding Center and Agri-Ecotourism Park sa Brgy. Zitanga, Ballesteros, Cagayan nito lamang Linggo, Hunyo 26, 2022.
Ang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng 439th Anniversary Celebration ng Aggao Nac Cagayan.
Ito ay nilahukan din ng mga miyembro ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, Provincial Environment and Natural Resources Office, Army Reservist, Armed Forces of the Philippines, Ballesteros Municipal Police Station, mga miyembro ng media, at mga volunteers mula sa pribadong sector.
Ang mga grupo ay nakapagtanim ng 1000 mahogany seedlings sa nasabing lugar.
Ayon kay Police Colonel Renell R Sabaldica, patuloy na isusulong ng Cagayano Cops ang pangangalaga sa kapaligiran alinsunod sa PNP Core Value na Pulis Makakalikasan.
Layunin nitong panatilihin ang kagandahan ng kapaligiran para mabawasan ang epekto ng Climate Change at mapangalagaan ang kalikasan.
Source: Ballesteros Municipal Police Station
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Mary Joy D Reyes