Novaliches, Quezon City — Patuloy sa pag-arangkada ang programang “Gulong ng Suerte-Reloaded” ng Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO sa #83 P. Tupas St., Masjid Abdul Rahman, Novaliches, Quezon City nito lamang Lunes, Hunyo 27, 2022.
Personal na inihatid ng mga tauhan ng RMFB ang bagong wheelchair at bed foam sa 16 anyos na anak na lalaki nina Mr. and Ms. Castillo na napag-alamang na-diagnose na may cerebral palsy mula nang ipanganak.
Ito ay naisakatuparan dahil sa mga tauhan ng Battalion Community Affairs Section ng SALAAM sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Edgardo S Tigbao, Chief, BCAS at sa gabay ni Police Colonel Lambert A Suerte, Force Commander, ng RMFB- NCRPO.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Ginoong Romeo Castillo, ama ng nasabing recipient, sa napakalaking kabutihang-loob ng pulis.
Ang mapagtibay ang ugnayan ng PNP at komunidad ay isang mahusay na paraan upang kumonekta sa mga tao, maglingkod at magbahagi ng mga pagpapala, at magbigay ng inspirasyon.
Source: RMFB NCRPO
###
Panulat ni PSSG Remelin M Gargantos