Isa sa layunin ng Revitalized-Pulis sa Barangay ang magkaroon ng mga People’s Orgnization (POs) ang bawat barangay upang mabigyan sila ng kaukulang proyekto at kasanayan na naaayon sa kanilang pangagailangan at kakayanan para sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan.
Kabilang sa binuo at inorganisang PO ng mga tauhan ng R-PSB Monkayo Cluster 19 sa pamumuno ni PLt Eduardo C Manila ay ang Paypayanon Falls IP Land Users at Farmers Association sa Brgy. Salvacion at Rizal’s Tribal Farmers Association naman sa Brgy. Rizal, Monkayo, Davao de Oro.
Ang 50 miyembro ng nasabing organisasyon na kinabibilangan ng mga kapatid nating IP’s ay naging skolar ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA dahil sa paggabay at tulong ng R-PSB kung saan sila ay dumaan sa proseso upang sumailalim sa anim (6) na araw na TESDA Training ng “Procedure Organic Concoction Leading to Organic Agriculture Production NCII” na natapos noong Hulyo 27, 2021.
Matapos makapasa ang 50 skolar sa final assessment, sila ay nabigyan ng Training Support Fund mula sa TESDA na personal na iniabot ni Ms. Genevieve A. Eyas, TESDA Admin Support Staff. Ito ay upang makapagsimula ng hanapbuhay gamit ang kanilang natutunan sa nasabing training. Labis itong ipinagpasalamat ng mga miyembro ng tatlong organisasyon dahil kung hindi dahil sa R-PSB ay hindi ito magiging posible.
?RPSBMonkayoCluster19
####
Article by Police Corporal Mary Metche A Moraera