Antipolo City, Rizal – Inilunsad ang Project D.A.T.A. ng Antipolo PNP sa Sitio Pulong Banal, Brgy. San Jose, Antipolo City nito lamang Lunes, Hunyo 27, 2022.
Ang Project Development of Analytical Capabilities to Transform Anti-Criminality Campaign (DATA) ay isang pinahusay na pro-aktibong tugon sa pagpapatakbo at pagpapatupad ng batas para sa pangkapayapaan at kaayusan na may teknolohiya at data driven policing na naglalayon na pahusayin at pabilisin ang pagtugon ng PNP sa tulong ng teknolohiya na magagamit sa pagpapatupad ng batas at magtakda ng mataas na pamantayan sa pag-iimbestiga at intelligence capabilities na aayon sa mga pangangailangan ng modernong policing sa digital/information age.
Pinamunuan ang aktibidad ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director, Rizal Police Provincial Office, katuwang ang Antipolo City Police Station sa pamumuno Police Lieutenant Colonel June Paolo Abrazado, Acting Chief of Police kung saan naging panauhing pandangal at tagapagsalita si Mayor Andrea Bautista Ynares ng Antipolo City.
Samantala, naging highlights sa aktibidad ang ribbon cutting na pinangunahan ni Mayor Ynares at magbabasbas ni Reverend Father Jeffry Arela sa newly installed system kung saan kasamang naging saksi sina PCol Wenceslao Ornido (Ret.), Hon. Arnel Camacho, Hon. Jay Tapales at Hon. Jonathan Salen na naroon din sa naturang aktibidad.
Kasabay nito ang pagbibigay parangal sa mga natatanging PNP personnel dahil sa kahusayan na ipinakita sa tagumpay ng Antipolo CPS.
“Bawat insidente ng krimen ay isang pagkakataon para sa pulis na pagbutihin ang pagpapatupad ng batas,” ani PLtCol Abrazado.
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon