Tinglayan, Kalinga – Tinatayang Php62,000,000 halaga ng halamang marijuana ang binunot at sinunog ng Kalinga PNP sa 3-day marijuana eradication sa Barangay Buscalan; Butbut Proper; Loccong, Tinglayan, Kalinga noong ng Hunyo 24-26, 2022.
Ayon kay Police Colonel Peter Tagtag, Jr., Provincial Director, Kalinga Police Provincial Office, isinagawa ang marijuana eradication o Oplan Tambur sa labing anim na plantasyon sa nabanggit na tatlong barangay ng pinagsanib na puwersa ng Tinglayan Municipal Police Station, Philippine Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit, Kalinga Police Provincial Office,1503rd RMFB, 1st Kalinga PMFC, 2nd Kalinga PMFC, Pasil MPS, Lubuagan MPS, Balbalan MPS at 141 Special Action Company, 14 Special Action Battalion, PNP-Special Action Force.
Ayon pa kay Police Colonel Tagtag, nadiskubre sa labing anim na plantasyon ang may kabuuang sukat na 26,250 square meters ang mahigit kumulang 310,000 piraso ng fully grown marijuana plants na may tinatayang Standard Drug Price na Php62,000,000.
Samantala, pinuri ni PCol Peter M Tagtag Jr. ang mga operatiba sa kanilang mahusay na trabaho at pakikipagtulungan sa komunidad na nagresulta sa matagumpay na pagpuksa ng mga halamang marijuana sa Tinglayan.
###
Panulat ni Patrolwoman Febelyne C Codiam