Matagumpay na isinagawa ng TEAM RCSP-Pulis Kasanggayahan sa ilalim ng pangangasiwa ni PCol Arturo P Brual Jr, PD, Sorsogon PPO, ang BARANGAYanihan Caravan sa Our Lady’s Village Bibincahan Elementary School sa Bitan-o, Sorsogon na buong pusong nag-alok ng serbisyo tulad ng pamamahagi ng foodpacks at vegetable seedlings.
Bukod pa dito, namigay din ng mga gamit panghalaman sa higit kumulang 100 benepisyaryo at nagbigay impormasyon din sila sa pamamagitan ng mga lektura at pamamahagi ng mga babasahin (flyers).
Ang nasabing grupo ay nagsagawa rin ng aktwal na demonstrasyon sa Arresting at Hand Cuffing techniques sa Force Multipliers habang ang 31st IB PA ay nagbigay ng libreng gupit sa mga nakilahok na programa.
Kasunod nito, ang Duterte Legacy Team ay tumuloy sa Barangay Bitan-o, Sorsogon City para sa pamamahagi ng mga sari-saring punla ng gulay at turn-over ng mga kagamitan sa paghahalaman na nagmula sa mabait na Regional Department of Agriculture Office at 150 na residente ang nakatanggap ng nasabing mga kagamitan.
#####
Article by Patrolman Cristopher D Ignacio