Lopez, Quezon – Arestado ang limang suspek sa paglabag sa PD 1602 ng Lopez PNP nito lamang Linggo, Hunyo 26, 2022.
Kinilala ni Police Major Dandy Aguilar, Acting Chief of Police ng Lopez Municipal Police Station, ang mga naarestong suspek na sina Reymund Pacardo Detario, 21, walang trabaho; John Jeric Marcaida Usoria, 22, estudyante; Rainell Dane Caparas Coral, 22, estudyante; Jade Angelo Argosino Ardeza 19, walang trabaho; at Micky Warren Mendelebar, 28, drayber, pawang mga residente ng Brgy. Villahermosa, Lopez, Quezon.
Ayon kay PMaj Aguilar, bandang 2:00 ng hapon naaresto ang mga suspek matapos nakatanggap ng tawag mula sa concerned citizen na may ilegal na sugal (bet game) sa naturang barangay dahilan para magsagawa ng anti-gambling operation ang Intelligence Operatives ng Lopez MPS.
Nakumpiska sa mga suspek ang isang isang set na baraha at Php102 na pera sa mesa.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Prescribing Stiffer Penalties on Illegal Gambling.
Ang tagumpay ng PNP laban mga ilegal na sugal ay bunga ng pinaigting at aktibong pakikipagtulungan ng mamamayan para mapanatiling maayos at ligtas ang komunidad.
Source: Quezon Police Provincial Office-PIO
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon