Carmen, Cebu – Tinatayang nasa mahigit 1000 piraso ng puno ang naitanim sa isinagawang Tree Planting Activity na pinangunahan ng Cebu PNP sa Brgy. Corte, Carmen noong Biyernes, ika-24 ng Hunyo 2022.
Ang naturang aktibidad ay aktibong pinangunahan ni Police Major Eric C Gingoyon, Hepe ng Carmen Police Station, katuwang ang mga tauhan nito at kawani ng Local Government Unit ng Carmen, Cebu, Manila Water Foundation Incorporation, Barangay Officials, Officials ng Municipal Environmental Natural Resources Office at mga stakeholders.
Ayon kay Police Major Gingoyon, ang matagumpay na aktibidad ay kaugnay sa pagdiriwang ng lungsod sa Philippine Arbor Day 2022.
Patuloy na hinihikayat ng PNP ang mamamayan maging ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na patuloy na suportahan at makiisa sa pagsasakatuparan ng mga programang nakatuon sa pangangalaga at pagpapaganda ng kalikasan.
###