Dumaguete City – Pinangunahan ng Dumaguete PNP ang pagsasagawa ang Clean-up Drive sa Purok Solid, Barangay Calindagan, Dumaguete City nito lamang Sabado, ika -25 ng Hunyo 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Joeson B Parallag, Chief of Police, Dumaguete City Police Station katuwang ang Department of Environment and Natural Resources, Barangay Officials, Peace and Order Officer, Barangay Health Workers, Barangay Tanods, at mga residente ng nasabing lugar.
Ang aktibidad ay naisakatuparan sa pagdiriwang ng “World Environment Day 2022” na may temang “Aksyon para sa Matatanging Mundo” na naglalayon na mapanatili ang linis ng kapaligiran at maitaas ang antas ng kamalayan ng mga mamamayan sa importansya ng kalinisan sa ating kalusugan.
Ang naging hakbang ng PNP katuwang ang mamamayan ay isang magandang halimbawa ng pagiging bahagi ng solusyon at maiwasan ang pagkakaroon ng polusyon.
###
Panulat ni Kyla Hannah Evangelista