Calbayog City, Samar – Pinangunahan ng PNP 1st Samar Provincial Mobile Force Company (PMFC) ang Mass Bloodletting Activity na ginanap sa New Life Sanctuary, Brgy. Rawis, Calbayog City noong Sabado, Hunyo 25, 2022.
Ang bloodletting activity na may temang “Donate Blood, Save a Life” ay nilahukan ng mga tauhan ng 12th Special Action Battalion, Special Action Force, mga opisyal at field training personnel ng Calbayog City Police Station, miyembro ng New Life Calbayog, SIRAK KABATAAN, Calbayog City Eagles Club, Samar Provincial Blood Bank Team, Advisory Councils, mga regular at bagong blood donor ng People’s Outreach Program.
Layunin ng aktibidad na matugunan ang kakulangan ng suplay ng dugo sa lokalidad na humihingi ng tulong mula sa iba pang mga kalapit na lungsod at munisipalidad para sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang pagsasalin ng dugo.
Hinihikayat ni Police Lieutenant Colonel Aquilino G Pongcol III, Force Commander ng 1st Samar PMFC ang lahat ng kanyang tauhan na gampanan ang kanilang mga tungkulin at gumawa ng kabutihan sa komunidad upang matulungan ang mga pasyenteng nangangailangan ng pagsasalin ng dugo.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez