Cebu City – Tinatayang Php360,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng Cebu City PNP sa isinagawang buy-bust operation nito lamang Sabado, Hunyo 25, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Ernesto Salvador T Tagle, Acting City Director ng Cebu City Police Office, ang mga naaresto na si alyas “John”, nailigtas na menor de edad, residente ng Cebu City at Joshua Entienza, 26, residente ng Langtang Talisay City.
Ayon kay PCol Tagle, naaresto ang mga suspek bandang 2:40 ng hapon sa Sitio Green Village, Guadalupe, Cebu City ng mga operatiba ng Cebu City Police Office.
Ayon pa kay PCol Tagle, nakumpiska mula sa mga suspek ang limang piraso ng transparent plastic sachet na tumitimbang ng hindi bababa sa 50 grams ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na Php360,000, isang brown pouch na ginamit bilang lalagyan ng ilegal na droga at buy-bust money.
Ang matagumpay na operasyon ay resulta ng maayos na ugnayan ng mga operatiba ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas (PDEA 7).
###
Panulat ni Patrolwoman Kyla Hannah Evangelista