Davao Oriental – Arestado ang Top 3 Provincial Level High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation ng PNP at PDEA, noong Biyernes, Hunyo 24, 2022.
Kinilala ni PLtCol Ernesto Gregore, Chief of Police ng Mati City Police Station, ang suspek na si Gapor Jimlani San, 27, residente ng Islamic Center, Brgy. Central, Mati City, Davao Oriental na tinaguriang Top 3 High Value Individual sa naturang lalawigan.
Ayon kay PLtCol Gregore, nahuli ang suspek sa Coastal Road, Brgy. Central, Mati City, Davao Oriental sa pinagsamang puwersa ng mga tauhan ng Mati CPS, Regional Intelligence Division – Provincial Intelligence Team, Naval Intelligence and Security Unit 72, at Philippine Drug Enforcement Agency – Davao Oriental Provincial Office.
Ayon pa kay PLtCol Gregore, nakuha mula sa suspek ang dalawang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 2 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php24,000, isang papel, at buy-bust money na ginamit sa operasyon.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, ang Police Regional Office 11 sa pangunguna ni PBGen Benjamin Silo Jr., Regional Director, PRO11 ay tuloy-tuloy ang isinasagawang kampanya kontra ilegal na droga upang tuluyan ng matapos ang problema rito at maging drug-free region na ang Davao.
###
Panulat ni Patrolman Preal Cris Edosma