Calatrava, Negros Occidental – Sumuko ang isang dating miyembro at Squad Leader ng New People’s Army sa mga tauhan ng 3rd Mobile Platoon ng 1st Negros Occidental Provincial Mobile Force Company sa Barangay Minapasok, Calatrava, Negros Occidental nito lamang Hunyo 23, 2022.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Jay F Malong, Force Commander, 3rd MP ng 1st NOCPMFC, isinuko ng 46 anyos at dating Squad Leader, Squad 2, NNF ng NPA ang kanyang sarili kasama ang isang yunit ng KG 9 submachine pistol na may limang live ammunition ng 9mm, tatlong short steel magazine ng M16 at isang short plastic magazine ng M16 rifle.
Ayon pa PLtCol Malong, ang sumukong miyembro ng NPA ay kasalukuyang namumuhay bilang isang magsasaka matapos itong tumiwalag sa bandidong grupo taong 2017. Sinabi rin nito na mayroon pa siyang kontak sa dati niyang mga kasamahan at nagbibigay din siya ng mga impormasyon at suporta sa mga ito kahit tiwalag na siya sa grupo.
Nagdesisyon lamang itong sumuko nang siya ay minsan ng tinakot at pinagbantaan ng dati niyang mga kasamahan.
Matatandaang nagkaroon din ng sagupaan sa pagitan ng pamahalaan at ng rebeldeng NPA nitong nakaraang linggo sa nasabing barangay.
Samantala, pinuri naman ni PLtCol Malong ang kanyang mga tauhan sa patuloy na pagpapatupad ng iba’t ibang kampanya upang makumbinsi at maliwanagan ang buong mamamayan sa tunay at totoong hangarin ng pamahalaan at hinimok ang iba pa nating mga kababayan na magbalik-loob at mamuhay ng tahimik.
“I urge the remaining CTG members to embrace the government’s program through E-CLIP, be safe, cherish a normal and peaceful life, live a renewed life together with your family that longed for your warmth and presence”, pahayag ni PLtCol Malong.
###