Valencia City, Bukidnon – Arestado ng Bukidnon PNP ang isang wanted person sa kasong paglabag sa RA 9262 nito lamang June 25, 2022
Kinilala ni Police Colonel Jun Mark Lagare, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, ang naarestong suspek na si Junrey Lizard Busano, 26, Sales Associate at residente ng P-7 Brgy. Lumbayao, Valencia City, Bukidnon.
Ayon kay PCol Lagare, nadakip ang suspek bandang 8:15 ng umaga sa nabanggit na lugar ng mga operatiba ng 2nd Bukidnon Provincial Mobile Force Company na pinangunahan ni Police Lieutenant Diore Ragonio katuwang ang Valencia City Police Station, Bukidnon Provincial Intelligence Unit at Regional Special Operation Unit 10.
Ayon pa kay PCol Lagare, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 sa ilalim ng Criminal Case No. 38994-22VAL.
Ang pakikipagtulungan at suporta ng komunidad ang susi upang mas mapadali ang paghuli sa mga taong nagkasala sa batas.
###
Panulat ni Patrolman Jomhel Tan/RPCADU 10