Arestado ang isang suspek at nasabat ang Php3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang nagsanib na buy-bust operation sa droga ng PDEA at Caloocan City Police Station.
Sa inisyal na ulat ay napag-alamang inaresto sa pinagsanib na operatiba ng PDEA Nueva Ecija Provincial Office, PDEA Bataan Provincial Office, PDEA RO-III RSET na pinangunahan ni AI 5 Christopher Macairap; Bagong Bario Sub-Station 5 sa pangunguna ni PLT Julius J. Villafuerte at PMAJ Deo Cabildo, SDEU, Caloocan sa superbisyon ni PCOL SAMUEL V. MINA, Chief ng Police, ang suspek noong Oktubre 23, 2021 sa harap ng Fast-Food store sa cor Loreto St., Brgy 84, Caloocan City.
Ang inarestong suspek ay kinilalang si Arturo Del Cruz Jr. Y Dungo, 38 taong gulang, delivery driver, tubong GMA Cavite at residente ng f #177 Gov. Pascual St., Sipac, Navotas City.
Nakumpiska sa kanya ang mol 500 gramo ng Methamphetamine Hydrochloride (shabu) may standard DDV na 3.4 million pesos at isang libong pisong pera na ginamit bilang buy-bust money.
Si Del Cruz at mga nakuhang ebidensya ay dinala opisina ng PDEA III para sa nararapat na kaso at wastong disposisyon.
“Muli, nasabat ng aming mga operatiba kasama ang aming katuwang na ahensya ang malaking halaga ng iligal na droga at ako’y natutuwa sa pagpapatuloy na pag-aresto sa mga taong sangkot sa kalakalan sa droga. Binabati ko ang aming mga operatiba na patuloy na sumusunod sa aming mga direktiba na huwag hihinto sa pagtugis at pag-aresto sa mga personalidad sa droga at dalhin sa bilangguan,” ang sabi ni PMGEN Danao.
#####
NCRPO-PIO / Isinalin sa Tagalog ni NUP Loreto B. Concepcion