Eastern Samar – Boluntaryong sumuko ang isang New People’s Army (NPA) Political Instructor sa kapulisan ng 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company sa Brgy. 15 Lunang, Dolores, Eastern Samar nito lamang Huwebes, Hunyo 23, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Joy G Leanza, Acting Force Commander ng 1st Eastern Samar PMFC ang sumuko na si Alyas “Ka Nokot”, nasa tamang edad, nagmula sa labas ng barangay ng Dolores, Eastern Samar at kabilang sa Front 3, Sub-Regional Committee, ARCTIC, Eastern Visayas Regional Party Committee ng New People’s Army na ang mga lugar ng operasyon ay kinabibilangan ng mga bayan ng Dolores hanggang Jipapad, Eastern Samar. Naglingkod siya bilang Political Instructor/Education Officer na may tungkulin sa indoctrination ng mga bagong recruit na miyembro at nagsasagawa ng mga lecture sa mga kursong kinukuha ng mga regular na NPA.
Ayon kay PLtCol Leanza, bandang alas 3:00 ng hapon nagtungo sa 1st Eastern Samar PMFC Headquarters upang opisyal na lisanin ang Bagong Hukbong Bayan pagkatapos ng 18 taong pagiging alipin ng mga pagpapanggap at panlilinlang na inilalako ng kilusang terorista.
Ayon pa kay PLtCol Leanza, sinalubong si alyas “Ka Nokot” ng kanyang asawa na si alyas “Agnes” na sumuko noong Setyembre 2021 at kanilang mga supling na sina alyas “Salba” at alyas “Jeya” na sumuko noong Oktubre 2021 at Abril 2022 sa 1st Eastern Samar PMFC.
Tiniyak ni PLtCol Leanza ang patuloy na pagsisikap ng 1st Eastern Samar PMFC upang mas dumami pa ang mahikayat na sumuko sa pamahalaan.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez