Antique – Arestado ang Top 1 Most Wanted Person (Municipal Level) sa patuloy na pagpapatupad ng intensified campaign against wanted person ng Libertad Municipal Police Station nito lamang ika-23, Hunyo 2022.
Kinilala ni Police Captain Josielito M Yana, Officer-in-Charge ng Libertad Municipal Police Station, ang suspek na 19 na taong gulang, lalaki at residente ng Sitio Buyo, Brgy. Tinigbas, Libertad, Antique.
Ayon kay PCpt Yana, nahuli ang suspek sa isinagawang Oplan Manhunt Charlie ng Libertad Municipal Police Station katuwang ang Antique Police Provincial Office.
Ayon pa kay PCpt Yana, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Qualified Rape through Sexual Assault na may Criminal Case No. CICL-02-2022-D at may piyansang Php120,000.
Ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
###