Alabang, Muntinlupa City — Nagsagawa ng Outreach Program ang Muntinlupa City Police Station sa Sitio Tagong Paraiso, Barangay Alabang, Muntinlupa City bandang alas-2:00 ng hapon nito lamang Biyernes, Hunyo 24, 2022.
Naisakatuparan ang nasabing aktibidad dahil sa aktibong pamumuno ni Police Colonel Angel Garcillano, Acting Chief of Police ng Muntinlupa CPS, kasama ang mga tauhan ng Community Affairs Section at SS-3, at sa pakikipag-ugnayan sa mga tauhan ng DCADD-SPD sa pamumuno naman ni Police Lieutenant Colonel Jenny DC Tecson.
Nakilahok din ang iba’t ibang grupo ng Force Multipliers na pinangunahan ni President Ian San Pedro at KKDAT ng Muntinlupa Chapter.
Tinalakay sa naturang aktibidad ang tungkol sa ELCAC. Nagkaroon din ng Livelihood Training Program, Libreng Gupit, Feeding Program at pamamahagi ng Food packs.
May kabuuang 450 residente kabilang ang mga senior citizen at kabataan ang nakinabang sa mga nasabing aktibidad.
Pinagtibay na ugnayan at serbisyong publiko ang hatid ng PNP sa mamamayan para magpaabot ng mga pangunahing pangangailangan sa lugar lalo ngayong may badya pa rin ang pandemya.
Source: Pulis ng Muntinlupa
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos