Taytay, Rizal – Tinatayang Php1,600,000 halaga ng marijuana ang nakumpiska sa dalawang suspek sa buy-bust operation ng Rizal PNP nito lamang Huwebes, Hunyo 23, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang dalawang suspek na sina Jomar Vergara y Pedrera alyas “Jomar”, 19 at residente ng Zone-10 Brgy. San Roque, Antipolo City at Edgardo Claudio y Acaña alyas “Barry”, 25, residente ng Brgy. San Isidro, Antipolo City.
Ayon kay PCol Baccay, bandang 4:15 ng umaga naaresto ang dalawang suspek sa Melendrez Subdivision, Brgy. Dolores, Taytay, Rizal ng mga operatiba ng Rizal Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit.
Ayon pa kay PCol Baccay, nakumpiska sa mga suspek ang 11 transparent zip lock plastic sachets na naglalaman ng mga tuyong dahon na hinihinalang marijuana, 15 pirasong cling wrap plastic na naglalaman ng mga tuyong dahon na hinihinalang marijuana na may timbang na humigit kumulang 16 kilos at nagkakahalaga ng Php1,600,000, dalawang pirasong eco bag kulay asul, dalawang pirasong Php1000 bill at isang pirasong Php500 bill bilang marked money at isang pirasong Php1000 bill na recovered money.
Ang dalawang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.
Ang Rizal PNP sa pamumuno ni PCol Dominic Baccay ay patuloy sa kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang krimen upang mapanatili ang maayos at ligtas na komunidad.
Source: Rizal PPO PIO
###
Panulat ni Mark Lawrence Atencio/RPCADU 4A