Tuao, Cagayan – Nagsagawa ng PNP Outreach Program ang Tuao PNP sa Barangay Bugnay, Tuao, Cagayan nito lamang Hunyo 23, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Jennifer G Calauad, Deputy Chief of Police sa pamumuno ni Police Major Francisco D Liwag, Acting Chief of Police ng Tuao Police Station katuwang ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo-Tuao Chapter, Municipal Advisory Group at Barangay Officials ng nasabing barangay.
Ang mga grupo ay namigay ng food packs, libreng facemasks at mainit na sopas at juice sa mga residenteng dumalo.
Bukod dito, namahagi din ang PNP ng kaalaman o flyers patungkol sa Anti-Bullying Act, Anti Rape Law, The Effects of Illegal Drugs at Anti-Terrorism.
Layunin ng aktibidad na ito na palakasin ang ugnayan ng PNP at mamamayan sa pag-abot ng mga pangunahing serbisyo at turuan ang mga residente sa mga batas tungo sa kapayapaan at kaligtasan ng bawat isa.
Source: Tuao PNP PCR
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin