Sulu – Tinatayang Php5,670,000 halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat ng PNP sa Coastal Seawater ng Brgy. Kajatian, Indanan, Sulu nitong Hunyo 22, 2022.
Kinilala ni Police Major Edwin Sapa, Chief of Police ng Indanan Municipal Police Station, ang mga naarestong suspek na sina Alman Hassan; Rajim Alih at Mudzmar Habibul Ajijul.
Ayon kay PMaj Sapa, naaresto ang mga suspek habang nagsasagawa ng Seaborn Patrol ang mga tauhan ng Sulu Maritime Police Station sa pamumuno ni Police Major Joel Senogat, Indanan MPS at 1st Provincial Mobile Force Company ng Sulu Police Provincial Office.
Ayon pa kay PMaj Sapa, nakumpiska mula sa mga suspek ang 189 na kahon ng sigarilyo na pinaniniwalaang mga smuggled na nagkakahalaga ng Php5,670,000 at ang bangka na ginamit.
Dinala sa Sulu MARPSTA ang mga nakumpiskang mga kontrabando at bangka para sa kaukulang disposisyon.
Nahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Ang Pambansang Pulisya ay nagpapaalala sa mamamayan na huwag gumawa ng ano mang ilegal na gawain o aktibidad upang hindi humantong sa pagkakakulong.
###
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz