Mountain Province – Arestado ang Top Most Wanted Person ng La Union sa kasong Rape sa Bauko, Mountain Province noong Hunyo 21, 2022.
Kinilala ni PCol Ruben Bawaan, Provincial Director ng Mountain Province Police Provincial Office, ang suspek na isang trabahador, residente ng Gonzales, Tubao, La Union at tubong Itogon, Benguet.
Ayon kay PCol Bawaan, naaresto ang suspek sa nabanggit na lugar sa pinagsamang puwersa ng Bauko Municipal Police Station, Tubao Municipal Police Station at Tuba Municipal Police Station.
Ayon pa kay PCol Bawaan, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 8353 o Anti-Rape Law of 1997 na walang inirekomendang piyansa.
Patuloy ang Mountain Province PNP katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagtugis at pagsugpo sa mga Wanted Person at iba pang kriminalidad upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng karahasan at mapanatili ang kapayapaan ng sambayanan.
###
Panulat ni Patrolman Doctor